"Ang buhay ay parang ampalaya."
Kulubot. Tulad ng daang tinatahak na baku-bako at maraming pasikot-sikot.
Berde. Swerte? Maaari. Mapayapa kung minsan. o 'di kaya'y pinagsamang maruming pag-iisip ng mga tao't salapi.
Haba o ikli. Pasensiyang pilit mong sinusuri at pinagsisikapang matamo paulit-ulit.
Mga buto. Mga munting sagabal, parang pagsubok, na kung lalagpasan mo ay matagumpay mong makakamtan ang kung ano pang pinaghihirapan.
Pait. Kinasusuklaman ng karamihan ngunitsiyang nagbibigay ng sustansya sa gulay na ito. Parang buhay na sadyang masustansya at patuloy na nagbibigay kulay kahit anong pait ang ating sapitin.
Tulad ng pagkukumpara ko ng buhay sa isang ampalaya. Madalas nating ihalintulad ang mga kasawian sa buhay sa isang ampalaya. At dahil diyan... Bakit nga ba?
Bakit nga ba maraming BITTER kung tawagin?
Sa panahon ngayon ay usong-uso ang ganitong pakiramdam. Ampalaya plus ika nga nila. Sa madaling sabi mga pait ng buhay na araw-araw nating hinaharap. May mga nagsasabing mabuti ito sa taong nakakaramdam at may mga nagsasabi ring nakasasama. Pero kahit ano pa mang pakiramdam ang kayang ibigay ng estadong ito. Isa lang siguro ang sigurado. Ang pagpapakatotoo.
-Mas madali kasing paniwalain ang sariling ok ka lng.. kaysa tanggapin na ikaw lng ang lumalaban..
-Hindi mo matanggap nakapagmove on na ang iba. Ikaw, nandyan pa.
-Umaasang matupad ang pangakong pinanghahawakan, ngunit.. sa kabilang ng lahat, kaya ka iniwan dahil hindi ka nanindigan.
-Dati ikaw ang dahilan ng ngiti..ikaw ang bukangbibig..ikaw ang laging nasa isip pero hindi matanggap na ikaw ang dahilan kung bakit sya ngmahal ng iba.
-Naging matibay ka sa paningin ng iba, nilabanan ang nararamdaman. pero sa huli nagiisa ka't nangungulila.
-Kahit ibinigay mo na ang lahat pati ang iyong kaluluwa. Nagawa niya paring saktan ka't naging masaya sa piling ng iba.
-Nangingibaw ang insekuridad at inggit bakit di na lang makuntento kung anong meron sa kanya.
-Hindi matapos ang pagkukumpara ng lahat ng relasyon mo sa kanya.
-Ubos na ang luha mo. lutang pati isip mo. lunod sa kalungkutan ang puso mo. pero kahit anong gawin mo. Alam mong hindi siya mapapasaiyo
-Inaakala mong ikaw lang ang makapagpapasaya sa kanya. Ngunit iba na ang dahilan ng ngiti niya.
-Hindi mo masabi ang tunay na nararamdaman, kaya sa kabitteran mo nalang idadaan.
-Dati mong nakasanayan gawin ng kasama siya, tinatanaw mo't ngayon ay naglaho nalang ng parang bula
-Sa bawat araw na daraan, iniisip isip mo siya. ngunit ni minsan ay hindi ka naman sumagi sa isip niya.
-Kahit isumpa mo siya pati kanununuuan niya. Sabi mo lang yun. Sa puso't isipan mo, sinisigaw mo ang pangalan mo kasama pa ng apelyedo niya.
-Pilit mong binabaon sa baul ng limot ang larawan ng nakaraan. pero... sinisilip mo kapag hindi na kaya ang kalungkutan.
-Binabalik tanawan ang mga lugar na napuntahan (mag-isa)..
Taena pare. Ampanget dito. Lipat tayo (sa tropa)..
- Hanggang pangarap nalang ang pangako ng nakaraan.
Napatunayan kong okay lang naman palang maging bitter. Kung sa kadahilanang hindi para kumuha ng simpatya o awa sa iba kundi dahil nagpapakatotoo ka! :)
Kaya..
Bitter ako. Bitter ka ba? Tara na at magbitteran tayo.